Skip to main content

Mga Bawal Na Pagkain Sa May HYPERTENSION


Ang mga taong may hypertension o mataas na presyon ng dugo ay hindi dapat na kumain ng mga pagkain na may sodium (Na). Ito ang ilang pagkain na bawal sa iyo kung mayroon kang ganitong sakit.


Pickles. Mababa ang calorie nito na maigi sa katawan ngunit mataas naman ang sodium content. Ang isang buo nito ay naglalaman ng 570 mg ng sodium. Iyan ay katumbas ng 1/3 maximum limit ng sodium kada araw (2300 mg).

French Fries. Mataas rin ang sodium content nito. Ang isang serving ng medium size  ng french fries ay naglalaman ng 270 mg ng sodium at 19 grams ng fats.

Bacon. Ang tatlong hiwa ng bacon ay mayroong 270 mg ng sodium at 4.5 grams ng fats.Mas magandang alternatibo ang pagkain ng turkey kaysa sa pork.

Gatas. Ito ay source ng calcium pero mataas ang fats nito. Ang isang baso ng gatas ay mayroong 8 grams ng fat at 5 grams ng saturated fat. Hindi maganda ang saturated fat sa mga taong may sakit sa atay at mapanganib din sa mga taong may high blood pressure.

Donuts. Ang isang donut ay naglalaman ng 200 calories at 12 grams ng fats.

Instant Noodle. Madali mang gawin para kainin, ang isang instant noodles ay naglalaman ng 14 grams ng fat at 1,580 ng sodium.

Mantikilya. Para sa mga taong may alta presyon ay siguraduhing walang saturated fat ang mantikilya. Basahin ang content ng brand ng margarine na iyong bibilhin.

Asukal. Kaya’t bawal sa iyo ang chocolate bars at cookies. Pwede itong magdulot ng obesity , kapag nangyari iyan ay pwedeng tumaas ang blood pressure mo.

Alcohol. Hindi lang nito pinatataas ang blood pressure kundi sanhi rin nito nang pagkasira sa blood vessel walls.

Red Meat. Bawal ito sa mga may high blood. Ang isang healthy diet ay dapat na may kaunti lamang na saturated fat. Iwasan mo ang pagkain nito.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...