Skip to main content

Head Massage – Mga Benepisyong Hatid Sa Hair


Kinakailangan ng head massage para mapahinga ang ating ulo at makadama ng ginhawa ang ating buhok. Kung mayroon kang oras, ay bigyang pansin mo ang pagtungo sa isang hair salon at magpamasahe ng iyong ulo. Ito ang ilan sa mga benepisyong hatid nito:


Panlaban sa stress na dahilan ng paglalagas ng buhok. Anumang uri ng stress tulad ng sa trabaho, skul, pisikal o mental man iyan ay malaking salik ito upang ang buhok ay unti unting malagas. Malaki ang epekto ng stress sa kalusugan ng buhok. Sa isang malubhang kaso ng stress o emotional disturbance ay pwedeng magresulta ito ng pagkapanot, ang kondisyon na ito ay tinatawag na telogen effluvium, kung saan ang mga aktibong hair follicle ay unti unting tumutungo sa isang regression stage. May pagkakataon din na humihinto ang pagtubo ng buhok ng matagal at malalagas din pagkaraan. Para maiwasan ito, maigi ang hair oil massage na nakatutulong alisin ang stress sna dama ng ating ulo, leeg at batok, ito ay magdudulot ng ginhawa sa pakiramdam. Hindi lang magiging masarap ang ating tulog, magiging masigla pati ang kondisyon ng buhok natin.

Ang stress at pawis rin ang dahilan kung bakit nagiging matigas ang ating anit at ang sebum, sanhi upang ang tumigas rin ang ating buhok. Kaya para masolusyonan ito ay magpa-head massage at hair wash na upang gumanda ang blood circulation sa  buhok at upang lumago rin ito. Nakatutulong kasi ang pagmamasahe sa ulo sa ikagaganda ng daloy ng dugo sa anit.

Para naman mai-kondisyon ang anit ay maigi ang tamang pagpili ng langis sa buhok. Ito ay upang maiwasan din naman ang pagkakaroon ng balakubak at paninigas ng anit. Nagbibigay din ng sapat na nutrisyon ang paggamit ng hair oil. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan na maging magaspang ang buhok dahilan upang madali itong malagas. Ang hair oil din ay nagbibigay buhay sa buhok para hindi ito magmukhang tuyot at patay.

O ano pang hinihintay mo, magtungo na sa iyong paboritong hair salon at magpa-head massage na.
Source: tips4me.com

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...