Skip to main content

Detox – Para Mawala Ang Malaking Tagyawat (ACNE)



Ang pagkakaroon ng malaking tagyawat o acne ay nakakabuwisit lalo na sa babaeng sobrang conscious sa kanilang hitsura. Hindi man nakamamatay ang pagkakaroon nito, ay syempre sa pagnanais nating magkaroon ng makinis na mukha, tiyak na gagawin natin lahat para puksain ang malalaking tagyawat sa mukha.

Para maibalik sa dating kinis ang mukha ay maraming paraan para mawala ang acne. Ngunit may mga medikasyon din na bagamat epektibo ay mayroon din namang side effects. Kaya marami sa atin ang mas pinipili na lang ang detox dahil ito ang pinakaligtas na paraan para makapagpaalam na sa malalaking tagyawat nang mukha.

Maraming salik kung bakit tayo nagkakaroon ng acne tulad ng polusyon sa kapaligiran pati na rin sa mga pagkain na ating kinakain. Ang mga chemical toxins na ating nalalanghap at naipapasok sa  ating katawan ay nakahahadlang sa ating metabolismo na sa kalaunan ay resulta na ng paglitaw ng acne.

Kaya naman ang pinakamabisang paraan para alisin ang acne na dulot ng polusyon at pagkain ng mga ‘di masustansya ay ang detoxification o detox. At kagandahan pa nito, ay madali lamang itong gawin at sundin sa pamamagitan ng pagbabago sa iyong diyeta upang mas maging malusog.

Ayon sa Buzzle, ito ang paraan kung paano gawin ang Acne Detox. Ito ay pinakita ng biotechology expert mula sa bansang India na si Saptakee Sengupta.

Ito ang Diet Menu na rekomendado:

Simulan mo sa pag-aalmusal ng mga pagkain na mayaman sa fiber para matanggal ang kolesterol at sobrang fats sa iyong katawan. Piliin ang lemon juice o di kaya’y maligamgam na tubig para sa iyong inumin. Lagyan mo ng pulot-pukyutan kung iyong nais.

Kumain ng prutas araw-araw lalo na ang ubas, lemon at cantaloupes.

Maigi ang mga fresh juice na may antioxidant. Sa tuwing gagawa ka ng fresh juice ay huwag mo itong lagyan ng asukal. Maigi ang acai berry, cran berry at blue berry para gawing juice.

Para naman sa tanghalian, dapat na kumonsumo ng mga gulay na mayaman sa bitamina at mineral gaya ng kintsay, carrots, broccoli,pipino,kamatis,patatas,repolyo at pati na yogurt.

Para sa maximum detoxification, uminom ng bitter juice na may halong kalabasa,beet,karot at kamatis at turnip.

Bago naman matulog ay kumain ng masustansyang prutas gaya ng mansanas, pakwan, peaches, duhat, avocado, at aprikot.

Ito naman ang listahan ng mga pagkain na dapat mong iwasan para maging matagumpay ay iyong acne detoxification: matatamis na inumin, hipon lalo’t kung allergic ka sa seafood,pusit at iba pang uri ng isda,mga pagkain sa lata gaya ng sardinas o iyong mayroong MSG, iwasan ang vegetable oil, mga pagkain na may harina gaya ng wheat at tinapay, limitihan din ang pagkain ng mantikilya, itlog, at iba pang dairy products gaya ng ice cream at keso atbp. At ang huli mas maraming gulay dapat ang iyong kainin imbes na mas maraming karne.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...