Skip to main content

Prutas at Gulay- Lunas Sa Mga Skin Problem


Ayon sa mga eksperto, 96 porsyento ng mga beauty professional ang nagsasabing higit na mas may mabuting benepisyo ang pagkonsumo ng mga pagkain na mayaman sa bitamina at mineral kaysa sa mga cream, moisturizer at iba pang pamahid sa mukha at balat.


Kaya’t kung confident ka na at tingin mo gaganda ka na sa paggamit lang ng cream ay hindi sapat ito. 

Pinatunayan pa ni Susan Mehy, director ng Cosmetic Executive Women sa UK na ang ikagaganda ng balat, buhok at mukha ay mula sa mga nutrisyong ating kinakain o kinokonsumo.

Magsisimula ang magandang pagbabago sa kalusugan ng ating kutis, kuko, balat, at mukha sa mga pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa bitamina gaya ng prutas at gulay sa araw-araw.

Para sa Dry skin. Maigi ang pagkonsumo ng mga pagkain na mayaman sa Omega 3 essential fatty acid. Ito ay pwedeng makita sa salmon, tuna, mackerel, whole grains, at mani. Ang mga ito ay mainam sa mga taong dumaranas ng pagkatuyo ng kanilang balat. Kulang ka sa essential fats kapag dry ang iyong skin.

Para sa skin wrinkles. Hindi mo maiiwasan ang paglabas ng kulubot sa iyong balat ngunit mapipigilan mo ang mabilis na pagdami nito kung ikaw ay kokonsumo ng mga pagkain na mayaman sa vitamin c gaya ng citrus fruits, berries, peppers, mabeberdeng gulay at patatas. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang premature aging ng balat.

Pangingitim sa ilalim ng mata. Ito ay dahil sa pagpupuyat at stress pati. Mainam ang pag-inom ng chamomile tea para mawala ito. Iwasan mo rin ang pagkonsumo ng caffeine bago matulog para maging maginhawa ito.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...