Skip to main content

Tamang Diet Para Sumigla Ang Buhok (HAIR TIPS)


Lalo sa mga babae, ang pagkakaroon ng maganda,makintab at malusog na buhok ang pangarap ng nakararami sa kanila. Kaya’t madalas silang makita sa parlor o salon upang alagaan ito. Hindi kasi ganoon kadali ang pagkakaroon ng masiglang buhok. Ito ay nangangailangan ng sapat na atensyon at maiging pangangalaga.


Ito naman ang mga simple ngunit akmang diet para sumigla ang iyong buhok. Sapagkat kung nais mong magkaroon ng long and shiny hair, dapat lamang na tama ang iyong diyeta.

Kung ikaw ay mayroon ng healthy diet tulad ng pagkain ng masusustansyang prutas at gulay pati na rin pag-inom ng maraming tubig ay ipagpatuloy mo lamang ito. Makabubuti ito sa buhok lalo’t sa mabilis na pagtubo nito. Kung ganito ang iyong dyeta ay di mo na kailangan ng karagdagan pang bitamina. Maigi ang mga fibrous food tulad ng salad at prutas. Umiwas sa paghigop ng mga sabaw o soup pati na rin sa paginom ng mga juice.

Ang balanseng dyeta ay may kasamang protina, bitamina, mineral, carbohydrates at fats. Mawala ang isa sa mga ito ay malaking epekto na sa pagkasira ng buhok. Kapag kulang ka sa protina, makikita mong dumadami na ang iyong uban. Kung kulang ka naman sa Vitamin A ay makikita mong nagiging tuyot at magaspang ang buhok. Kung wala ang Vitamin C ay maaaring bumagal ang pagtubo ng iyong buhok. Ang Vitamin B naman ay nakapagpapakintab sa ating buhok at nagpapanatili sa tamang bigat nito.

Kaya’t siguraduhin mong lahat ng nutrisyon na ito ay kinokonsumo ng iyong katawan.

Pwede mong sundin ang ilang salad recipe na ito para sa ikagaganda ng iyong buhok:

Seasonal Fruit Salad. Ito ay pakwan, matamis na melon, papaya, pomegranate, pinya, saging, at cherries.Hiwain sa maliliit ang mga ito, lagyan ng black salt at kainin ng malamig.

Beetroot Potato Salad. Sangkap naman nito ay hiniwang beetroot, pipino, nilagang patatas, cottage cheese, at kamatis. Hiwain ng maliliit at ihalo sa ginayat na repolyo. Lagyan ng fresh na lemon juice, asin at paminta.
Source: tips4me.com

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...