Skip to main content

Madaling Paraan Para Makaiwas Sa FLU


Ang trangkaso o flu ay madali namang gamutin. Iyun nga lang, ang mga taong mayroon nito ay nakararanas ng miserableng pakiramdam gaya ng pag-ubo, sipon, lagnat, nausea at pagsusuka.


Ito ang ilan sa madadaling paraan para makaiwas sa flu virus.

Kailangang magtungo sa isang lugar kung saan makalalanghap ka ng sariwang hangin upang lumakas ang iyong immune system. May mabuting dulot din ito sa psychological health ng isang tao tulad ng pagpapababa ng stress level. Kung labis kang nakakaranas ng stress ay hihina ang iyong immune system.

Maigi ang pagre-relax. Pwede kang umupo saglit at uminom ng tsaa ng walang anuman o sinuman ang sa iyo ay gumagambala. Maaari ka ring magdilig ng halaman o gumawa ng mga bagay na makapagpapaalis sa iyong stress. Sapagkat ang stress ay nagpapataas lamang sa tsansa na ikaw ay magkaroon ng trangkaso sapagkat pinipigilan nito ang abilidad ng katawan na magprodyus ng cytokine molecules. Ang molecule na ito ay may tungkulin sa pagresponde ng immune system laban sa mga sakit. Idagdag pa, na kapag stress ka ay makakaranas ka ng hindi mahimbing na pagtulog, hindi regular na pagkain at nagiging pabaya ka sa iyong kalusugan.

Ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Ang kamay natin ay pinamumugaran ng kung anu-anong bacteria at virus.Kaya’t sa tuwing lalabas ka ng banyo o ng inyong bahay ay ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Huwag ding kalimutan na patuyuin ito agad ng mabuti.

Magkaroon ng mahimbing na tulog. Ang kakulangan sa pagtulog ay nakapagpapahina ng immune system. Ang mga taong natutulog ng mababa sa 7 oras ay madaling mahawa ng trangkaso ng higit tatlong beses na mataas kaysa sa mga taong may sapat na dami ng tulog.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...