Skip to main content

Energy Drink – Panganib Sa Dental Health


Naging opsyon na para sa ilan ang pag-inom ng energy drink matapos nilang mag-ehersisyo. Maigi kasi itong inumin kaysa sa softdrinks. Pero alam ninyo bang may panganib ding dulot ito sa ating dental health? Pwede itong magdulot ng kung tawagin ay dental erosion.


Isang bagong ulat ang inilathala ng General Dentistry na nagsasabing ang energy drink ay naglalaman ng acid na pwedeng maging sanhi ng pagkakaroon ng tooth decay. Marami sa mga pasyente ang nakaranas ng pagiging acidic ng kanilang bibig matapos silang ma-enganyo sa pag-inom ng energy drink.

Matapos ang limang araw na pag-inom ng energy drink at ma-expose sa acidic content nito, ang tooth enamel ay unti-unting mababakbak at magiging sanhi ng mga pagkasirang hindi madaling ma-remedyuhan. Kapag walang proteksyon sa enamel, nagiging sensitibo ang ating ngipin, dahil riyan mas maraming tsansa na magkaroon ng cavities at maging sanhi pa ng iba pang pagkasira sa ngipin.

Bukod sa panganib na dulot ng energy drink sa dental health. Ang mga sport drinks din ay naglalaman ng mga sugar na maaaring maging sanhi ng mga chronic diseases gaya ng obesity, diabetes, at heart problem. 

Bukod sa mga hidden sugar mayroon din itong caffeine at substances na hindi kontrolado ng mga regulatory agencies.

Hindi rekomendado ng mga doktor na agad mag-sepilyo pagkatapos uminom ng energy drink sapagkat maaari lamang kumalat ang mga acid sa paligid at maging dahilan ng dental erosion.

Kung nais mong umiwas sa panganib na hatid nito, basahin dito ang ilang alternatibong inumin sa Energy Drink. 
Source: medicmagic.net



Comments

  1. thank u for dis site..kya pla ung ngipin ng husband q unti unti..naccra at wla xa maicp nreason bkt ncra mhlg kc xa s energy drnk

    ReplyDelete
  2. salamat po sa inyong komento. masaya akong nakapagbigay ng impormasyon sa inyo. Maaari mo ring baasahin ang ilang alternatibo sa energy drink ...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...