Skip to main content

Antibiotic Para Sa Malalang Tagyawat (SEVERE ACNE)


--> Ang malalaking tagyawat lalo’t malala na o severe acne ay kadalasang hirap ng lunasan ng iba’t ibang medikasyon. Ang ibang kaso ng acne ay kinakailangan ng treatment mula sa antibiotic. Ngunit hindi basta-bastang antibiotic ang dapat na inumin. Nararapat ang preskripsyon o kumonsulta sa iyong doktor.


Hindi naman lahat ng kaso ng acne ay kailangan ng antibiotic. Sapagkat sa kabuuan, ito ay binibigay lamang sa mga taong may malalalang kaso ng acne. Kaya sa ganitong kaso, kinakailangan na ma-assess ka muna ng iyong physician para malaman kung severe acne ba ang sa’yo o hindi.

Sa kabuuan, ang mga acne na severe ay mayroong nodular at cystic acne. Sa ganitong kaso, ang mga dermatogolist ay nagbibigay na ng preskripsyon na antibiotic. Lalo’t iyong mga mantsa sa mukha ay maaaring panggalingan pa ng iba pang impeksyon sa balat. Kung mababaw lang naman ang acne ay hindi na kailangan pa ng antibiotic.

Ayon sa about.com, ang mga binigay na antibiotic ay gumagana sa iilan lamang na mekanismo. Pero ang importante ay ang pababain nito ang bilang ng mga bacteria sa loob at sa palibot ng follicles.

Isa pang bisa ng antibiotic para sa tagyawat ay ang pagpapababa sa chemical irritation na nililikha ng white blood cell, pagpapabawas sa konsentrasyon ng mga free fatty acid sa sebum at pati na rin pagpapabawas sa inflammatory response.

Ito ang ilan sa mga antibiotic na binibigay para makalaban sa severe acne:

Tetracycline- ito ang pinaka-popular na preskripsyon na antibiotic para sa acne. Ang dosis ay dumedepende sa dami ng acne lesions, kung nakikitang kumokonti na ay binabawasan na ang dosis. Hindi ito dapat na ibigay sa buntis o mga bata na 9 years old pababa.

Erythromycin- ang antibiotic na ito ay mayroong anti-inflammatory properties na nakababawas sa pamumula sa acne lesions at pinapatay din nito ang bakterya. Ang dosis ay dumedepende kung paano ang paggamit. Maaaring magdulot din sa’yo ng abdominal pain at nausea.

Minocycline- tulad ng tetracycline ay madalas din itong gamitin at epektibo din na acne treatment. Ang unang dosis ay kadalasang 50-100 mg kada araw. Pero ilan sa side effects nito ay pagbabago sa kulay ng iyong balat at ngipin lalo’t gagamitin mo ito sa mahabang panahon.

---
Hanapin sa Lazada ang alternatibong pamahid sa tagyawat. 
Source: medicmagic.net

-->

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...