Skip to main content

Problema Mo Ba Ang Malaking Hospital Bills?


Marami sa mga ospital ang nag-pe-presyo ng mahal na bayarin sa kanilang mga pasyente. Kaya’t ang mga ito ay nahaharap sa malaking hospital bills na nakaka-stress at tipong hindi na nila alam kung paano ito babayaran. Maraming mga over charge na katangap-tangap naman ngunit mayroon ding hindi. Para sa mga pasyente, mahirap maintindihan ang bayarin sa ospital, kaya’t ang ilan sa mga ito ay maglalagay ng mga codes at medical terminology na lalong magpapahirap sa mga pasyente na maintindihan ang bayarin. Kaya sa huli, malaking hospital bills ang kahaharapin ng kawawang pasyente.


Ito ang ilang tips para hindi mangyari sa iyo ito:

Kung hindi naman isang emergency ang iyong pagkaka-ospital ay tignan mo ang policy ng iyong insurance para malaman mo kung ano ang covered sa hindi at kung ano ang mga dapat mo talagang bayaran. Maging maingat sa pagre-review ng mga sakop at hindi sakop ng iyong insurance. Sa pamamagitan nito malalaman mo kung ano ang hindi nito covered.

Tawagan mo ang hospital department at alamin kung anong kanilang room charges at ano ang mga sakop nito. Tulad halimbawa ng kung hindi kasama ang tissue roon ay dapat kang magdala ng sarili mo.

Tanungin ang doktor sa magiging estima ng iyong gamutan. Tanungin mo rin kung pwede mong dahin ang iyong regular na preskripsyon para maiwasan mo ang pagbabayad ng mga gamot sa ospital.

Suriing maigi kung kasama ba sa iyong insurance ang mga doktor na mangangalaga sa iyong kalusugan tulad ng surgeon, anesthesiologist, radiologist, pathologist atbp.

Kung kaya mo ay i-file mo ang lahat ng resulta ng iyong test, medikasyon at gamutan. Kung hindi naman ay humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan o kapamilya para gawin ito para sa iyo.

May mga pagkakataon na padadalhan ka ng Explanation of Benefits (EOB) ng iyong insurance. Huwag mo itong itapon sa halip ay suriin ito sapagkat ito ay maglalaman ng kung magkano ang icha-charge sa iyo ng hospital, ano ang sasakupin ng iyong insurance , at kung ano ang iyong deductibles at out of pocket at pati na rin co-payments.

Kapag pinakita na sa iyo ang bill mo ay basahin at suriin itong maigi. Ikumpara ito sa log na ginawa mo, sa EOB mo at sa estimation na hiniling mo bago ka pa man ma-admit sa ospital.

Kung may mga item na hindi ka maintindihan ay tumawag ka sa billing department at sa iyong insurance at hingin mo ang kanilang paliwanag.Huwag mong tanggapin ang bills na mayroong mga lab fees at miscellaneous. Mag-demand ka ng itemization.

Kung duda ka pa rin ay mag-request ka ng itemized billing pati na rin medical records para makumpirma mo kung talagang naisagawa sa yo ang mga gamutan na nakalagay roon o hindi.
Source: tips4me.com


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...