Skip to main content

Mga Pagkain Na Pwede Kang Magka-STROKE


Ilang pag-aaral na ang nagsasabing ang aerobic exercise at tamang dyeta ay makapagpapaiwas sa tao sa banta ng stroke. Maging alerto sa iba pang pwedeng maging sanhi ng stroke tulad na lang ng kulang sa tulog. Bukod pa riyan ay maging mapili rin sa mga kinakain sapagkat may mga pagkain na akala mo’y hindi nakapipinsala sa katawan pero kabaligtaran pala ang hatid sa kalusugan.
Kaya maigi ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Bukod sa ehersisyo at regular na pagpapa-check up, bababa ang panganib na magka-stroke kung iiwasan mo ang mga pagkain na ito:

Ang mga processed food tulad ng crackers, chips, pastry at baked foods ay naglalalaman ng trans fats na makikita sa hydrogenerated oil na ginagamit para magtagal ang isang pagkain. Ang trans fat ay sagabal sa daloy ng dugo sa ating utak, nagpapataas ng inflammation at ng level ng C-reactive protein at ang panganib na magka-stroke.

Maging alerto, ang hydrogenerated oil na ito ay ginagamit din sa french fries, frozen foods, processed snacks, microwave popcorn, cake mix, whipped cream at pati maging sa salad dressings. Kaya’t mainam na tignan muna ang label bago bumili.

Delikado naman ang labis na sodium consumption sa katawan. Mataas ang concentration ng salt na makikita sa sandwich o burger na naglalaman ng beef. Pwedeng makasira at magparupok sa blood vessel ang sodium nitrate at nitrite na ginagamit sa pagpoproseso ng meat. Kaya’t iwasan ang labis na pagkain ng smoke meat at processed meat. Mas maigi ang kumain ng tuna meat na mayroong olive oil at hummus, peanut butter at prutas.

Ang pag-inom ng soda araw-araw ay nagpapataas sa banta ng stroke ng 60 porsyento. Mas malapit sa sakit sa puso at iba bang coronary disease ang mga taong mahilig sa pag-inom ng diet soda.

Ang mga chicken noodle soup naman ay naglalaman  ng 1,100 mg sodium. Tandaan na ang katawan natin ay dapat lamang na kumonsumo ng sodium sa isang araw na hindi hihigit sa 1,500 mg. Kung lalabis, magdudulot ito ng pagtaas ng ating blood pressure.Doble ang panganib ng stroke kung hindi magiging normal ang pagkonsumo ng rekomendadong dami ng sodium ang iyong katawan.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...