Skip to main content

Tamang Gawain Sa Loob Ng Office Washroom


Mahaba ang listahan ng rules and regulations na dapat sundin sa loob ng opisina. Isa sa mga dapat isipin ay ang dapat at hindi dapat na gawin sa loob ng office bathroom. Ito ang ilan sa mga etiquette na dapat alam mo kapag nasa washroom ka ng inyong opisina.


Mga Dapat Gawin

Itapon sa basurahan ang tissue na iyong gagamitin, punasan ang mga tilamsik ng iyong ihi sa upuan ng kubeta. Sino ba namang gustong gumamit ng kubeta na madumi at hindi man lang nai-flush ng huling gumamit nito? Kaya’t matutong magflush at mag-imis ng kalat bago mo ito iwan sa susunod na gagamit.

Maghugas ng kamay. Alam mong nakadidiri na makakita ng taong lalabas sa banyo na hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Maiisip mo tuloy kung sinong malas na tao ang makikipag-shake hand sa tao na ito, pati na rin kung anong pagkain ang kanilang hahawakan at kakainin ng hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Kaya ang moral lesson dito, maghugas ng kamay pagkatapos mong gumamit ng banyo.

Mga Hindi Dapat Gawin

Kung alam mo nang may susunod na gagamit o pila-pila na sa labas ng washroom kung saan nandun ka pa ay iwasan mo nang maging makupad. Ikonsidera mo na may susunod pang gagamit ng banyo hindi lang ikaw kaya iwas iwasan mo na ang pagme-make-up ng matagal at pagpapaganda.

Kung magsusuklay ka sa loob ng washroom sa office ninyo ay siguraduhing walang mga hibla ng buhok na nagkalat. Nakadidiring makita ito ng susunod na gagamit.

At ang huli, huwag magtsismisan sa loob ng banyo. Iwasang pag-usapan ang kasungitan ng boss mo, ang bagong pasok na empleyado lalo’t pogi o maganda, o di kaya nama’y iyong mga empleyado na inyong nilalait. Iwasan ito dahil hindi lang upang huwag ninyong paghintayin ang susunod na gagamit kundi pati na rin upang makaiwas na kayo ay mahuli sa akto.
Source: tips4me.com

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...