Skip to main content

Paraan Para Makaiwas Sa Paglala Ng DIABETES


Hindi dapat na mag-alala ng husto ang mga taong may diagnosis ng pre-diabetes phase. Hindi pa naman huli ang lahat para sa kanila. Dahil marami pang preventive measure na pwedeng gawin para maiwasan ang paglala ng diabetes. Ito ang mga paraan:


Magbawas ng timbang. Ugaliin at dalasan ang pag-eehersisyo. Ayon sa pag-aaral ng Centers of Disease Prevention and Control, 5 hanggang 7 porsyento ng mga taong nasa pre-diabetes phase na nagbawas ng kanilang timbang ay hindi na lumala pa ang kondisyon tungo sa type 2 diabetes. Ayon pa sa Fox News, nakatutulong ang exercise at iba pang physical activities para pababain ang glucose at magprodyus ng insulin. Magsimula sa paglalakad.

Maging mapili sa kinakain at mag-dyeta. Magsimula sa mga pagkain na low-fat, low sugar at low sodium. Imbes na kumonsumo ng mga carbohydrate rich food gaya ng white at tinapay ay palitan ito ng mga pagkain na mayroong complex carbohydrate gaya ng brown rice at wheat bread. Bawasan mo rin ang mga pagkain ng mga pritong lutuin. Imbes na prito, subukan mo ang mga nilagang pagkain, pinakuluano iyong mga baked food. Siguraduhing balanse ang iyong nutritional intake.

I-monitor palagi ang iyong blood pressure at kolesterol. Mataas sa cholesterol at nakararanas ng hypertension ang mga taong nasa pre-diabetes phase lalo na ang nasa type 2 diabetes. Gaya bago lumala at magkaroon ng komplikasyon ay siguraduhing ang blood pressure ay hindi lalagpas ng 130/80 mmHg.

Huminto sa paninigarilyo. Daragdag lang ang sigarilyo sa toxin na pumapasok sa loob ng katawan. Kaya ihinto na at umiwas na sa bisyong ito.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...