Skip to main content

COFFEE na lang ba Dear? Alternatibong Inumin


Maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang kinagawian ng uminom ng coffee sa almusal. Kahit pa maraming benepisyo ang makukuha ng katawan mula rito ay hindi rin naman maikakailang mayroon din namang masamang epekto ang kape sa ating kalusugan. Pwede itong maging dahilan ng sleep deprivation at maaari ding makadagdag sa ating calories kung iinumin mo ito na may halong cream. Kaya naman, marami rin sa atin  ang nais humanap ng alternatibong inumin na mas mabuti kaysa sa kape para masolusyonan ang pagka-adik nila rito.

Ito ang ilan sa mga inumin na mas maigi kaysa sa kape:

Pumpkin Spice Latte. 300 calories ang makokonsumo mo sa isang big order ng pumpkin spice latter pero pwede mo itong pababain sa 120 calories lang. Paghaluin lamang ang kape sa vanilla, nutmeg, ground ginger, cinnamon, 2 kutsarang condensed milk, at 2 kutsarang canned pumpkin na mayroong antioxidant at fiber.

Mainit na Tsokolate. Bibihira ang tatanggi sa isang tasa ng mainit na tsokolate. Kaya’t pwedeng pwede itong maging kapalit ng kape mo sa tuwing almusal. Ang mga chocolate beverage na mabibili sa groceries ay mayroong 320 calories at 9 grams ng fats. Pwede mo itong bawasan sa pamamagitan ng 2 tasa ng gatas, 4 na kutsarang almond na may dark choco powder na antioxidant. Pagkatapos ay magdagdag ng kalahating kutsaritang ancho chille at kaunting lasa ng oranges.

Chai Tea. Mayaman sa spices ang tsaa na ito na madali lamang gawin. 75 calories ang nilalaman ng inumin na ito. Pwede kang maghanda ng isang tasa ng black tea, pakuluan sa mainit na tubig at haluan ng kaunting gatas. Sunod ay lagyan ng mga powder spices gaya ng cardamom, luya o di kaya nama’y cinnamon.

O ano? Coffee na lang ba dear?
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...