Skip to main content

5 Bagay Na Dapat Sabihin Mo Sa DOCTOR


Kung minsan nakararamdam tayo ng hiya na sabihin ang mga bagay na importanteng malaman ng doctor kapag tayo ay nagpapakonsulta sa kanya. Lalo’t kapag nagtanong na siya tungkol sa ating mga habit pati na tungkol sa ating lifestyle.

Importanteng malaman ng doktor ang mga impormasyon na kanyang itinatanong sa iyo para malaman niya at matukoy ang kondisyon mo at kung paano ito magagamot. Bilang isang matalinong pasyente, heto ang limang bagay na dapat sabihin mo sa doktor:

Ipaalam sa kanya ang mga iniinom mong vitamins, herbal at iba pang health supplements sapagkat may mga gamot na maaaring mag-react sa mga ito at magdulot ng side effects.

Umiinom ka ba o naninigarilyo? Sabihin mo ito kay doc. Mas madaling matutunton ang sanhi ng iyong sakit kapag alam ni Doc ang tungkol sa iyong mga bisyo.

Ipaalam kay Doc kung mayroong pagbabago sa iyong katawan tulad ng pamamaga ng suso, kakaibang nunal na tumubo, at iba pa. Ikaw ang mas higit na nakakaalam ng mga pagbabago sa iyong katawan kaya’t sabihin mo ito kay doc para malaman mo kung mapanganib ba ito o hindi.

Stress ka ba o nakararanas ng depresyon? Ipaalam ito kay Doc sapagkat may ilang physical health condition na may kinalaman sa pyschological condition ng tao.Maaari kang i-refer ng doktor sa isang psychiatrist kung nararanasan mo ang mga ito.

Mayroon ba sa pamilya mo ang may sakit o nakaranas na ng sakit? Ipaalam kay doc ang iyong family health history para malaman ang tamang diagnosis at kung paano ito magagamot.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...