Skip to main content

Kakaibang Nangyayari Bago Ang Menstruation



Ang isang babae ay maaaring maging biglang agresibo. Gaya ng nakakapili ka ng mga damit na sobrang sexy at daring. At hindi lang yan, mas gugustuhin mong sumama sa mga tipong bad boy kaysa doon sa mga lalakeng tahimik at simple lang.


Ang mga iyan ay nangyayari sa mga babae kapag ikaw ay nasa oras na ng kung tawagin ay ovulation. Ito iyung pagpapakawala ng mature egg sa iyong uterus patungo sa iyong fallopian tube na handa ng mag-fertilized o kung tawagin ay fertile period.

Ang mga nabanggit na halimbawa ay mga kakaibang nangyayari sa mga babae bago sila reglahin (menstruation). At ito ang ilan sa mga katotohanan tungkol riyan ayon sa Shine:

Pagpili Ng Mga Sexy Na Pananamit
Sa oras ng ovulation, ang mga babae ay mas na-eenganyo na pumili ng mga damit na masisikip at iyong magmumukha silang sexy sa paningin ng mga kalalakihan. Iyan ay ayon sa nailathala ng Journal of Consumer Research.

Nais makihalubilo sa mga Bad Boy
Karamihan sa mga babae ay mas nais maka-date ang mga lalake na tipikal o iyong may good boy image. Pero ayon sa pagsasaliksik, labing-isang araw mula sa simula ng ovulation, ay mas prefer ng babae na sumama o makihalubilo sa  mga lalaking mala-action star ang imahe.

Nagiging Shopaholic
Sampung araw bago mag-regla, ang mga babae ay lalo pang kinahihiligan ang pag-sho-shopping. Ito ay ayon sa isang survey na tinugunan ng 500 kababaihan. Bakit kaya nangyayari ito? Sa pamamagitan ng pag-sho-shopping, kinakayanan ng mga babae ang pagiging maramdamin na nagaganap tuwing pabago-bago ang kanyang hormone.

Lumalakas ang gay radar
Mas madali mong nalalaman kung ang ka-date mong lalake ay bading o hindi. Ayon sa isang pag-aaral kung saan pinakitaan ang mga babae ng 80 litrato ng mga lalake at bakla ay mas madali nilang natukoy kung sino ang tunay at kung sino ang hindi. Kaya kung may umaaya sa iyong makipag-date, i-take advantage mo ang iyong ovulation period kung nais mong makasiguro.

Madalas ang mga pantasya na may kinalaman sa pakikipagtalik
Kapag malapit nang reglahin ang isang babae, ay dumadalas ang kanyang pantasya na siya ay may katalik lalo’t sa mga dalaga. Ito ay ayon sa pagsasaliksik na isinagawa ng University of Lethbridge Canada. Bukod pa riyan , ay mas madalas silang ma-arouse sa mga lalakeng gusto nila.
Source: medicmagic


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...