Marami sa atin ang hirap makatulog sa gabi. Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng Sleep problem? Heto ang ilan sa mga causes at pati na rin tips para sa inyo mga katoto upang solusyunan ito:
Tips On How To Avoid Sleep Problem |
- Stress. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkukulang sa tulog ang isang tao, sa pisikal o emosyunal na aspeto. Gayunman, mainam na maibabalik sa tamang kondisyon ang katawan mula sa pagkontrol sa stress hormone sa pagbibigay ng sapat na attensyon sa digestion, restoration repair, immune function, enerhiya, mood at maging ng gana sa pakikipagtalik. May kinalaman din ito sa pagdagdag ng timbang, lalo't higit sa bahagi ng bewang.
- Chronic pain. Sa ilang kaso, ang stress ay pagreresulta sa tinatawag na chronic pain o ilang kondisyon tulad ng tinatawag na restless leg syndrome (RLS) na siyang nagbubunsod upang mahirapang magrelaks sa buong gabi. Sa iba pang sitwasyon, maaaring ang sleep apnea, seryosong disorder mula sa paghinga habang natutulog ay matindi ring banta na dapat ikonsulta sa doktor.
- Hindi tamang diyeta at suliranin sa pagtunaw ng pagkain. Isa rin itong dahilan ng isyu sa maayos na pagtulog sa gabi. Ang diet na may kaunting nutrisyon at maraming fat at sugar sa katawan ay hindi lamang nagbubunsod sa dagdag na sukat ng bewang, maging na rin sa pagpo-produce ng katawan ng serotonin at melatonin na kapwa kritikal para sa maayos na tulog at maging sa kondisyon ng utak at kalusugan ng buong katawan. Kapag mabagal ang digestion ng isang tao, isa rin itong dahilan ng kahirapan sa maayos na pahinga.
- Labis na konsumo ng ilang stimulants. Ilan sa nagdudulot ng matinding banta ay ang caffeinated coffee, alcoholic drink, soda na kapag kinonsumo sa oras na malapit nang matulog ay maaaring kumontra sa sleep pattern ng isang tao, maging ng kanyang abilidad na magkaroon ng masarap na pahinga. Mainam ang caffeine at soda sa araw sa paglaban sa banta ng fatigue at higit na maging alert. Ngunit hindi sa gabi. source: Bulgar-No Problem-ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment