Insomnia ang tawag kapag ang isang tao ay dumaranas ng kakulangan sa tulog o hirap sa pagtulog. Mahalaga sa atin ang sapat na pagtulog upang makakilos ang ating katawan ayon sa lakas nito at tamang sigla. Nakakaalis ng tensyon at pagkapagod ang sapat na tulog. Normal na sa isang tao ang makatulog 7 hangang 8 oras sa gabi. Ang sakit na Insomnia ay kadalasan ng sakit ng mga tao lalo na't iyung mga nakatira sa syudad. Karaniwan din ito sa mga matatanda.
Ano ang mga sanhi ng Insomnia?
- Kapag hindi makapag-relax ang iyong isip o mental tension
- Dahilan din ang mga serious chronic diseases
- Labis na pag-inom ng tsaa at kape
Subukan ang mga natural na lunas sa Insomnia:
- Tamang pag kontrol sa paghinga
- Malaking tulong din ang Yoga Exercise
- Regular na ehersisyo sa umaga at mahinahong ehersisyo sa gabi ay makakatulong sa katawan na magkaroon ng sapat na pagtulog. Ang ehersisyo ay nakatutulong alisin ang mga lactic acid sa ating katawan. Rekomendado ang mga ehersisyo gaya ng paglalakad, jogging, at paglangoy.
- Itakda mo ang oras ng iyong pagtulog sa gabi at pagbangon sa umaga.
- Isang baso ng gatas na may pulot-pukyutan ay malaking bagay rin para magkaroon ng mahimbing na pagtulog.
Comments
Post a Comment