Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2009

Tips: SIKRETO NG TAGUMPAY

Isang gabi hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa computer shop ko para maghanap ng solusyon sa gumugulo sa isipan ko, binuksan ko ang isa sa mga pc at nagpunta sa site ng google para i-search ang "sikreto ng pagyaman" dahil ito naman talaga ang gumugulo sa akin kong paano yumaman. May isa akong kwento na nakita at nagbigay sa akin ng inspirasyon at konting ngiti na may halong paghanga sa nakaisip nito. ANG AGIMAT NG TAGUMPAY Si Mario at Lito ay matalik na magkaibigan, subalit kung tungkol sa estado ng buhay ng magkaibigan ay malaki ang agwat nila sa isat isa. Si Mario ay isang matagumpay na businessman samantalang si Lito ay isang simpleng mamayaman na gusto gusto ring maging katulad ng kanyang matalik na kaibigan. Isang araw habang magkasama ang dalawa sa isang kapihan nagtanong itong si Lito sa kanyang Kaibigan: "Pare, ano ba ang sikreto mo bakit successful ka" tanong ni Lito "Wala naman,siguro dahil sa agimat na meron ako" Sagot