Alam ninyo bang may mga pag-aaral na mas tumatagal ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan kapag sila ay laging nagtatalo o nag-aaway? Kung minsan, dahil sa takot na tayo ay iwan ng ating karelasyon ay ipinagsasawalang-bahala na lang natin ang kanyang mga kasinungalingan. Mahirap mang aminin sa sarili, tayo ay nagbubulag-bulagan sa sitwasyon at nananahimik na lamang. Sabi ng mga psychologist, mas masosolusyunan ang problema ng magkarelasyon kung sila ay mag-aaway. Sa pamamagitan kasi noon ay madaling masolusyunan ang problemang kanilang kinakaharap. Samantalang, kung pipiliin na lang ng isang babae o lalaki ang sama ng loob sa kanilang karelasyon ay hindi niya maiiwasan ang makaramdam ng pagdududa. Ang pagdududahang iyon ay ang mistulang anay na sisira sa inyong relasyon. Sabi ni James McNulty, associate professor sa University of Tennesse, hindi porke nagpatawad ang isang tao ay magagawa na niyang kalimutan ang kasalanan ng kanyang karelasyon. Sa katunayan ay ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc