Salamat sa konsepto ng malls, sapagkat dahil sa mga ito ay mayroon ng opsyon na makapamili ng mga nais bilhin, hindi lang sa uri kundi pati na rin sa brand ng produktong nais. Ito nga ay lugar kung saan masarap ang mag-shopping pero ito rin ay maaaring maging lugar kung saan paglabas mo wala ng pera ang iyong bulsa. Kaya maging wais ka sa pagsho-shopping sa malls . Ito ang ilang tips para makatipid ka katoto. Sale Ba Ngayon? Kung iyong tipo mong bilhin ay hindi pa kayang ma-afford ng iyong pera ay huwag nang ipilit pa. Huwag kang mag-alala kasi magse-sale din yang gusto mong item. Hindi mo alam, na ang mga boutique sa mall ay updated sa kung ano ang uso kaya kapag hindi na uso ang ibinebenta ay agad nilang binabagsak ang presyo ng mga ito para mabilis ng mabili. Para maging maagap kung kailan ang sale sa mall ay magtingin-tingin ka sa diyaryo ng kanilang mga anunsyo. Pwedeng Mag-online Shopping Mas mababa ang presyo ng mga item na mabibili online. Pwede kang ma...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc