Kilig na kilig ka sa first date ninyo, tipong tinatanong mo na ang sarili mo kung mahal ka na niya. Syempre malinaw na hindi pa. Pwera na lang kung naniniwala ka sa love at first sight. Anyway, kung nais mong ma-fall in love sa yo o mahalin ka ng lalaking gusto mo, hindi mo kailangan ng gayuma. Ang kailangan mo lang ay ilang praktikal na paraan para mangyari ito. Heto ang ilang tips para sa’yo: Ipakita mo sa kanya ang iyong mga kakayahan. Ipakita mo sa kanya ang iyong mga good qualities. Halimbawa, kung marunong kang kumanta ay yayain mo siyang mag-videoke, kung magaling kang mag-pinta ay subukan mong ipinta ang kanyang mukha at iregalo ito sa kanya. Kung mahilig kang magpatawa, ilabas mo na ang iyong best joke para matawa siya. Magpakatotoo ka . Huwag kang magpanggap na ganito ka o ganoon ka. Maging totoo ka lang sa iyong sarili, kung ano ka, iyan ang ipakita mo. Mas gusto ng mga lalake ang babaeng totoo sa kanyang sarili. Huwag kang O.A. Huwag mong isipin na porke’...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc