Hindi maitatangi na madalas ang isang relasyon o pagsasama ay nagkakaroon ng mapait na wakas. Gaano man ito katatag sa simula ay marami pa ring bagay na sumusubok dito. Kung minsan, masarap lang sa simula dahil nakadarama ka pa ng kilig at lambing, pero sa katagalan ay unti-unti mo nang natutuklasan na sa mundong ito wala pa lang relasyon na sadyang nabuo ng perpekto, lagi itong may pagsubok. Mahal mo siya? At gagawin mo ang lahat ng paraan para hindi kayo mauwi sa hiwalayan. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung paano mo lalo pang mapapanatiling maganda ang iyong pagsasama. 1. Kapintasan . Tanggapin mong marami kayong pagkakaiba at habang tumatagal ang isang relasyon, matutuklasan mong marami talagang bagay na hindi kayo pareho. Kaya imbes na magalit sa iyong partner ay maluwag mong tanggapin ang inyong pagkakaiba. At kung mayroon talagang dapat na baguhin, ay pag-usapan ito ng malumanay at huwag...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc