Skip to main content

Posts

Showing posts with the label tulong ng karot

Carrots Maigi Sa Pagpapabuti Ng Brain

Para mag-improve ang ating utak ay kinakailangan natin ng nutrisyon. Hindi lang mga memory game ang nagpapabuti sa ating memorya at iba pang tungkulin ng ating utak kundi kailangan din nating kumain ng mga masusustansyang pagkain para sa ikabubuti n gating brain function. Kung noo’y ang mga berry lamang ang sinasabing smart food at maiging kainin para protektahan ang ating brain cells laban sa inflammation. Ngayon ay itinuturing na rin na maigi sa pagpapabuti n gating brain functions ang carrots pati na rin ang olives. Ayon sa Health Day News, may mga pag-aaral na ang pagkain ng mga prutas ay nakatutulong para sa mga aktibidad n gating utak tulad ng pag-iisip, pag-me-memorize at logic. Ang luteolin na makikita sa carrots at olive oil ay compound na nakapagpapababa ng inflammation na nagpapahina sa kapasidad ng ating utak at memorya. Ayon sa University of Illinois, ilan pa sa mga pagkain na mayaman sa luteolin ay ang kintsay,peppers, mansanilya,menta, at romero. ...