Huwag mong maliitin ang bisa ng 2.5 x 3.5 piraso ng card na bitbit mo sa iyong wallet. Ang sinasabi ko ay iyong business card na madalas na ipagsawalang bahala sapagkat isa pa rin ito sa mabisang marketing tool para sa mga entrepreneur na gaya mo. Iyong mga maliliit na impormasyon o detalye na nilalaman ng iyong business card ay malaking bagay para sa iyong target na kliyente o mga potensyal mong customer- sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng ideya kung ano ang ino-offer ng iyong kompanya. Mas madali kang matatandaan ng mga prospect mo dahil sa malikhaing ideya na naka-detalye sa iyong business card. Naka-depende rin sa kung paano mo dinesenyo kung ito ay itatago o itatapon lang ng iyong pagbibigyan. Ang business card ay hindi lang isang calling card, na madalas ganito ang tawag ng ilan dito. Ito ay card kung san nagbibigay ito ng detalye tungkol sa iyong negosyo.Ito ay maituturing na mini-corporate brochure o mini-product brochure na puwede mong ilagay sa i...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc