Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pumpkin spice latte

COFFEE na lang ba Dear? Alternatibong Inumin

Maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang kinagawian ng uminom ng coffee sa almusal. Kahit pa maraming benepisyo ang makukuha ng katawan mula rito ay hindi rin naman maikakailang mayroon din namang masamang epekto ang kape sa ating kalusugan. Pwede itong maging dahilan ng sleep deprivation at maaari ding makadagdag sa ating calories kung iinumin mo ito na may halong cream. Kaya naman, marami rin sa atin  ang nais humanap ng alternatibong inumin na mas mabuti kaysa sa kape para masolusyonan ang pagka-adik nila rito. Ito ang ilan sa mga inumin na mas maigi kaysa sa kape : Pumpkin Spice Latte. 300 calories ang makokonsumo mo sa isang big order ng pumpkin spice latter pero pwede mo itong pababain sa 120 calories lang. Paghaluin lamang ang kape sa vanilla, nutmeg, ground ginger, cinnamon, 2 kutsarang condensed milk, at 2 kutsarang canned pumpkin na mayroong antioxidant at fiber. Mainit na Tsokolate. Bibihira ang tatanggi sa isang tasa ng mainit na tsokolate. Kaya...