Para sa circular system ng ating blood vessels, may masamang dulot dito ang asin o salt kung labis ang pagkonsumo nito sapagkat magiging dahilan ito ng hypertension. Pero sa ating respiratory system, ang asin ay maaaring makagamot sa asthma sa pamamagitan ng haloterapi o salt therapy . Ang haloterapi ay isang alternatibong gamutan mula sa Eastern Europe na ginagamitan ng halite o rock mineral, lalo na ng NaCL o Salt. Ang mineral na ito ay hindi iniinom o kinakain kundi nilalanghap sa pamamagitan ng pagbomba ng hangin. Ang pasyente ay pinauupo sa isang silid na mayroong salt crystal at pinalalanghap ng hangin na may halong salt na binobomba naman ng isang halogenerator. Sa kabuuan tulad din ito ng sa spa, ang kaibahan ay mineral salt ang binubuga nito imbes na aromatherapy steam. Sa orihinal na rehiyon kung saan ito nangaling, ang haloterapi ay natural na makukuha sa mga kuweba at sa mga salt lake gaya ng Dead Sea sa border ng Jordan, Israel at West Bank. Popular na...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc