Skip to main content

Posts

Showing posts with the label buhok

Tips Para Iwasan Ang Pagkalagas Ng Buhok (HAIR LOSS)

Ninanais ng lahat ng mga babae na magkaroon ng mahaba at makintab na buhok. Ngunit ang ilan sa kanila, nakalulungkot man, ay nakararanas ng mabagal na pagtubo ng buhok at ang iba nama’y pagkalagas. Tulad ng mukha, ang buhok ay madalas na kasama rin ng skin layer. Madalas na oily ang anit at dahil riyan nagiging sagabal ang mga dead skin cell para tumubo ang buhok ng mabilis. Subukan mong i-masahe ang iyong anit gamit ang iyong daliri o suklayin ng dalawang minuto bago ka mag-shower. Pwede itong magpabilis sa pagtubo ng hair follicles. Ikonsidera din naman ang paggamit ng shampoo at conditioner. Gumamit ng mga ito ayon sa kondisyon ng iyong buhok. Gumamit ng shampoo at conditioner na may moisturizer. Pwede kang magpalit ng shampoo kung hindi ito hiyang sa iyo. At hangga’t maaari ay iwasan mo ang mga gamit sa buhok tulad ng curler at hair dryer. Sapagkat ang init na nagmumula sa mga gamit na ito ay nakasisira ng cuticle na siyang nagpoprotekta sa buhok laban sa pagk...

Shampoo Na Epektib Sa Balakubak (DANDRUFF)

Nakakahiya ang balakubak lalo’t kitang kita ito na naglalaglagan sa iyong balikat habang nakasuot ka ng itim na t-shirt. Turn off sa nililigawan kapag may balakubak ka kaya ngayon pa lang ay humanap ka na ng shampoo na epektib sa pantanggal ng balakubak mo. Ang malassezia ay isang yeast tulad ng fungus na maaaring kontrolin sa pamamagitan ng kombinasyon ng tinatawag na medicated shampoos. Upang makaiwas sa dandruff , mainam na halinhinang gumamit ng produktong may salicylic acid at ng zinc pytiyhione, araw-araw sa loob ng limang minuto. Banlawan ang ulo gamit ang mainit na tubig at sundan ito ng moisturizing conditioner saka muling banlawang maigi. Ang sintomas ay tinatayang mababawasan makalipas ang dalawang linggo hanggang sa isang beses na lang itong gagawin sa isang linggo hanggang sa tuluyang mawala ang suliranin. Mainam na makipagkita sa doktor kung mas malala pa ang sitwasyon. Kaya’t huwag mong ipagsawalang bahala ang iyong balakubak sapagkat marami nam...

Paraan Para Iwas-Polusyon Ang Buhok (Hair Care)

Hindi lang sa kalusugan may labis na epekto ang polusyon kundi pati na rin sa ating buhok (hair). Imbes na maging shiny ang ating buhok ay nagiging tuyot ito dahil sa polusyon. At hindi magandang tignan lalo na sa mga babae kapag dry ang hair. Nakababawas kasi ito sa kanilang natural na ganda at sigla. Idagdag pa rito na hindi sapat ang shampoo lang  o pagko-conditioner para solusyunan para mapanumbalik ang ganda at sigla ng buhok. Pero huwag kang mag-alala sapagkat may mga paraan naman ang pwede mong gawin para maging makintab,malambot at maganda muli ang iyong buhok mula sa epekto ng polusyon. Ang paggamit ng scarf o sombrero ay makaiigi para maprotekhan ang iyong buhok sa labis na init ng araw. Pwede kasing makasira ng hair cuticle ang sikat ng araw at pinagmumukha nitong tuyot ang ating buhok. Importanteng hindi mawala ang pinong yari ng ating buhok dahil sa pinsala dulot ng sikat ng araw kaya makakaigi sa atin ang paggamit ng scarf o sombrero sa tuwing tayo ay la...

Paano Maging Masigla Ang Buhok (Hair Care Tips)

Maigi ang pagpapagupit ng buhok kada dalawang buwan para maging masigla at matibay ang iyong buhok (hair). Hindi naman kailangan na gupitin ito o iklian ng todo, maigi na iyong kahit na gupitin mo lang ang dulo ng iyong buhok para sa paglago nito. Ang paggugupit ng buhok ng regular ay nagpapatibay sa buhok at iniiwas pati nito ang ating buhok sa pagsanga-sanga nito. Ayon sa American Acamedy of Dermatology , ang sapat na paglago ng buhok ay 0.5 hanggang 1 pulgada kada buwan. Pero may mga pagkakataon na ang ugat sa ating buhok (mga 15 porsyento o higit pa) ay nakararanas ng mabagal na paglago na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok. Sa estimasyon ng paglalago ng buhok, tinatayang mayroon sa tatlong buwan, na walang aktibidad ang nagaganap sa ating hair follicle. Ang ibig sabihin lamang nito ay mayroong pagkakataon na walang nagaganap na paglago sa buhok ng ating anit. Sa tamang pagpapagupit ng buhok kada 2 buwan ay nakatutulong para panatilihin ang paglago ng buhok. ...

Dry Hair: Tips Para Makaiwas Sa Panunuyot Ng Buhok

Isang fan ng Tips ni Katoto ang sumulat sa amin tungkol sa kanyang problema sa buhok. Si Ms. Aquarius ng Bacoor Cavite ay humihingi ng payo kung paano ba niya maibabalik sa dating sigla ang kanyang buhok, patuloy kasi ang panunuyot nito at dahil roon ay dumadami ang kanyang split ends. Ano ang kanyang gagawin? Para sa mga mayroong problemang ganito sa kanilang buhok at para sa mga taong gustong makaiwas sa panunuyot ng buhok o dry hair. Ito ang ilan sa mga maaari ninyong subukan. Hugasan ang buhok gamit ang moisturizing shampoo at pati ng conditioner. Hanapin ang hiyang na brand para sa'yo. At kung may nakikita ng resulta ay iyun na ang palagian mong gamitin at huwag nang magpalit pa ng brand ng shampoo. Maaari ka ring magtanong sa iyong hair stylist kung anong moisturizing shampoo at conditioner ang makakabuti para sa iyo.  Iwasan mo muna rin ang pagkukulay ng iyong buhok para mabigyan mo ito ng panahon na magbalik sa dati nitong natural na kalusugan....

Hair Conditioner: Mabuting Benepisyo Nito Sa Iyung Buhok

1. Para sa dry at kulot na buhok . Mainam ang paggamit ng conditioner na mayroong orange blossom, nakapagmo-moisturize ito sa mga taong mayroong kulot na buhok, habang nadaragdagan pa nito ng kakaibang kintab. 2 . Para sa flat, at manipis na buhok . Ang tamang pagpili ng conditioner ay nag-iiwan ng maayos na hibla ng buhok lalo na sa mga taong may flat at manipis na buhok.Mainam na pumili ng conditioner light citrus detangler kung saan magbubunsod ito sa pagiging shiny ng buhok na nagba-bounce. 3. Para sa bagong kulay na buhok. Mainam na humanap ng conditioner na may citrus waxes. Mahusay nitong malalagyan ng coat ang buhok at mapuprotektahan ang bagong tubo nito at makaiwas sa mabilis na pagkupas ng kulay. 4 . Para sa buhol-buhol na buhok . Ang styling product conditioner na may kasamang vitamin C ay makapagdudulot ng kondisyon sa sariling buhok, habang nagbibigay ito ng mas makinis na texture at kontroladong hugis. ...