Skip to main content

Posts

Showing posts with the label trangkaso

Mga Prutas Na Panlaban Sa FLU

Nakararanas ka ba ng mga sintomas ng trangkaso o flu? Kung oo, dapat ay bumuti ang kalagayan ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain. Ito ang ilan sa mga prutas na maiging panlaban sa FLU Mansanas Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant. Bukod pa roon, mayroon din itong flavonoid compounds na nakatutulong makaiwas sa heart disease pati na rin ang cancer. Kaya’t ugaliin ang pagkain ng mansanas kung nais mong madaling maka-recover sa trangkaso. Papaya Ang papaya ay mayaman sa beta-carotene, vitamin C and E, na tumutulong  makabawas sa inflammation at pati na rin sa mga sintomas ng flu. Saging Isa pa sa mabisang panlaban sa flu ay ang saging. Mayroon itong Vitamin B6 na kayang pahupain ang sintomas ng depresyon, stress, at insomnia. Nakakatulong din ito para palakasin ang enerhiya. Mayaman din ang saging sa magnesium na malaking tulong sa pagpapatibay ng buto. Ang saging ay mayaman din sa potassium na tumutulong upang makaiwa...

Bakit Ka Madaling Kapitan Ng Trangkaso?(INFLUENZA)

Sa malamig na panahon o tag-ulan, madaling kapitan ang isang tao ng trangkaso o influenza. Pero ang ilan kahit na malapit sila sa mga taong may trangkaso ay hindi sila nahahawa at nananatiling malusog ang kanilang kondisyon. Pinaniniwalaan ng mga scientist na ang phenomenon na ito ay may kinalaman sa genes na mayroon ang mga ganung tao. Pwedeng makuha sa hangin ang influenza virus ay naililipat o naipapasa sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Ang isang ubo ay pwedeng makapagpakalat ng 100 libong virus sa hangin. At kapag bumahing pa ay dodoble ang bilang nito at aabot ng 2 milyong virus. Madaling makahawa ang influenza virus at sa katunayan 5 hanggang 15 porsyento ng populasyon kada taon ang naapektuhan nito. Higit na pabago-bago din ang reaksyon ng virus na ito. May mga taong madaling magka-lagnat o magkasakit. Pero sa kabilang banda mayroon din namang 30 to 50 porsyento ng mga taong malakas ang resistensya laban sa virus na ito. Ang katawan nila ay maiging dumepensa ...

Bakit Nagkakaroon Ng FLU?

Huwag mong maliitin ang trangkaso o flu. Hindi lang swine flu ang mapanganib. Dapat ding maging alerto sa karaniwan ng trangkaso. Sa panahon ng trangkaso, ito ang dapat nating tandaan: Ang balisa o takot na mahawa tayo ng sakit ang lalong magdudulot sa atin ng sakit. Ang labis na pag-aalala ay nakapagpapahina lamang ng immune system na siyang dumedepensa sa atin sa anumang uri ng karamdaman. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay sapagkat mabilis kang mahahawa ng flu lalo’t ikaw ay may close contact sa taong mayroong dalang virus. Ang tinutukoy ko ay ang pakikipaghalikan, pakikipag-kamayan at pagyayakap. Hindi naman sinabing huwag mong gawin ang mga tao sa panahon ng trangkaso. Pwede naman basta’t mag-ingat lamang, makatutulong ang paghuhugas ng kamay matapos gawin ang mga ito. Ang paninigarilyo ay nakapagpapahina sa tungkulin ng mga buhok sa ilong na siyang nag-fi-filter sa hangin patungo sa ating baga. Kaya pwedeng ma-trap ang bacteria at pumasok sa ating baga. Ito ang san...

Madaling Paraan Para Makaiwas Sa FLU

Ang trangkaso o flu ay madali namang gamutin. Iyun nga lang, ang mga taong mayroon nito ay nakararanas ng miserableng pakiramdam gaya ng pag-ubo, sipon, lagnat, nausea at pagsusuka. Ito ang ilan sa madadaling paraan para makaiwas sa flu virus. Kailangang magtungo sa isang lugar kung saan makalalanghap ka ng sariwang hangin upang lumakas ang iyong immune system. May mabuting dulot din ito sa psychological health ng isang tao tulad ng pagpapababa ng stress level. Kung labis kang nakakaranas ng stress ay hihina ang iyong immune system. Maigi ang pagre-relax. Pwede kang umupo saglit at uminom ng tsaa ng walang anuman o sinuman ang sa iyo ay gumagambala. Maaari ka ring magdilig ng halaman o gumawa ng mga bagay na makapagpapaalis sa iyong stress. Sapagkat ang stress ay nagpapataas lamang sa tsansa na ikaw ay magkaroon ng trangkaso sapagkat pinipigilan nito ang abilidad ng katawan na magprodyus ng cytokine molecules. Ang molecule na ito ay may tungkulin sa pagresponde ng imm...

Vitamin C- Epektibo Ba Para Sa Trangkaso?

Isang alternatibong paggamot ang Vitamin C para labanan ang iba’t ibang uri ng sakit. Sa katunayan nga’y nabanggit na natin sa mga nakaarang sulatin na mabisa rin ang Vitamin C para bumaba ang ating presyon. At sa pagkakaalam natin ay mabisa ang Vitamin C, sa anumang paraan kung paano mo ito nakonsumo, sa pagpapagaling ng trangkaso o ng flu. Ngunit may pag-aaral na isinagawa na sinasabing epektibo na pandepensa sa anumang uri ng karamdaman ang pagkonsumo ng Bitamina C tulad ng trangkaso ngunit kung ito ay iinumin mo sa oras na ikaw ay may trangkaso na, ito ay magbibigay na lamang sa’yo ng panlaban sa mga komplikasyon tulad ng pneumonia sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating immune system. Ito ay ayon sa dalawang doktor na naglinaw sa kung ano ba ang kayang gampanan ng vitamin C sa ating katawan. Ayon kay Dr. Mark Levine, isang nutritionist sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases – walang magagawa ang bitamina C na gamutin ang iyong sipon o t...

EP67 Vaccine: Kayang Pumatay Ng Virus in 2 Hrs

Sa panahon ng krisis bawal magkasakit- iyan ang sinasabi sa isang sikat na t.v commercial ng isang branded na gamot. Totoo nga namang sa panahon ng kahirapan ay dapat nating isa-alang-alang ang ating kalusugan sapagkat kung pababayaan natin ito ay maaaring magbunsod lang ito ng lalong krisis sa ating buhay sa aspetong pang-pinansiyal pati. Krisis talaga ang aabutin mo sa mga gamot pa lang na iyong bibilhin para ikaw ay gumaling. Ngayon pati ay  usong uso ang trangkaso o flu , at napag-usapan na rin lang ang flu, alam ninyo bang mayroon ng bakuna na pwedeng makapatay ng virus sa loob lamang ng dalawang oras- kung tawagin ito ay EP67 Vaccine. If before we need a lot of vitamins to stop the flu-ngayon ay ipinakikilala na ang synthetic protein na tinatawag na EP67. Ginagamit itong pambakuna para madaling malabanan ang virus na nasa katawan ng may sakit. Kaya ngayong nauuso ang flu virus ay magagamit na ang EP67 upang matulungan ang mga taong tatamaan ng sakit. According to ...

Tips Kung Paano Makaiwas sa Trangkaso (FLU)

Panahon na naman po ng tag-ulan at kaliwa't kanan na bagyo kaya marami sa atin ang nagkakasakit dahil sa paiba-ibang klima ng panahon. Nandiyan ang may sipon,ubo, at lalo na ang trangkaso (flu). Taun-taon ay napakaraming kababayan natin ang dinadalaw ng trangkaso. Nagdudulot ito ng epidemya na maaaring maging sanhi ng pagliban sa trabaho o eskwelahan. Kahit sabihin pa na ito ay flu o trangkaso lamang, iba pa rin ang pakiramdam ng katawang may sakit at siyempre kinakailangang magpagaling ng husto bago makapasok sa trabaho o eskuwelahan. Ang ugat ng trangkaso ay dala ng virus na influenza, nakakahawa ang virus na ito at madali itong malipat sa ibang tao sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Mahirap mapigilan ang pagkalat nito sapagkat dalawang araw pa man bago lumabas ang sintomas ng flu, naihawa mo na ito sa iba. Hindi rin pangkaraniwang ubo't sipon lamang ang trangkaso dahil may dala rin itong kumplikasyon dahil pinahihina ng trangkaso ang ating resistensya kaya mad...

Health Tips: IBA PANG PARAAN PARA MAKAIWAS SA SIPON AT TRANGKASO

Mula sa naunang halimbawa ng mga bagay na makapagpapaiwas sa sakit na sipon at trangkaso at pagpapalakas ng flu-fighting immune cells, na kinakailangan upang mapalayo sa virus ng paligid, lalo na sa ngayon na usong-uso ang A(H1N1) virus. Mapalalayo sa banta ng cold and flu viruses sa pamamagitan ng iba pang bagay at Gawain na kinabibilangan ng mga sumusunod: 1 .Kumain ng kamote Ayon sa pananaliksik, ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng kamote sa bawat araw ay nakababawas sa panganib na pagkakaroon ng sipon at trangkaso ng 33%. Ito ay dahil sa immunity-boosting beta carotene, na matatagpuan sa natural uri ng gulay. 2. Mag-relax Kung magagawa rin naman, mainam na limitihan ang galaw ng katawan at mag-relax.Kapag nakararamdam ng pressure sa katawan at mas lalo pa itong sinasagupa, ay tumataas ng husto ang stress hormone cortisol. Kung sakaling mairerelaks ang katawan, napabababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng cold at flu ng...