Mahaba ang listahan ng rules and regulations na dapat sundin sa loob ng opisina. Isa sa mga dapat isipin ay ang dapat at hindi dapat na gawin sa loob ng office bathroom. Ito ang ilan sa mga etiquette na dapat alam mo kapag nasa washroom ka ng inyong opisina. Mga Dapat Gawin Itapon sa basurahan ang tissue na iyong gagamitin, punasan ang mga tilamsik ng iyong ihi sa upuan ng kubeta. Sino ba namang gustong gumamit ng kubeta na madumi at hindi man lang nai-flush ng huling gumamit nito? Kaya’t matutong magflush at mag-imis ng kalat bago mo ito iwan sa susunod na gagamit. Maghugas ng kamay. Alam mong nakadidiri na makakita ng taong lalabas sa banyo na hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Maiisip mo tuloy kung sinong malas na tao ang makikipag-shake hand sa tao na ito, pati na rin kung anong pagkain ang kanilang hahawakan at kakainin ng hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Kaya ang moral lesson dito, maghugas ng kamay pagkatapos mong gumamit ng banyo. Mga H...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc