Sa dami ng mga aksidente ngayon sa kalsada bukod sa kinakailangan mong mag-ingat ay maigi rin na matuto kang ayusin ang iyong mood habang ikaw ay nagmamaneho. Dahil ang mood mo ang nagiging sanhi minsan na mag-overtake,humarurot,murahin ang kapwa driver atbp. Dapat cool ka lang, ito ang mga tips para hindi uminit ang ulo habang nagmamaneho: 1. Alamin ang mga sagabal sa trapiko. Bigyang pansin ang oras, umalis ng mas maaga kung may lakad ka o la-appointment, sa pamamagitan nito ay maiiwasan mo ang magmadali. Hindi ba't naiinis ka kapag hindi mo inaasahan ang trapik sa kalsada? Kung maaga ka sanang umalis sa inyo, walang dahilan para ikaw ay magmadali. Tiyak na kahit trapik pa, ay mababawasan na ang inis mo sa trapik. 2. Palaging maging updated, manood o makinig ng mga balita dahil ito ang magbibigay sa iyo nang paunang impormasyon tungkol sa mga saradong daan, trapik, o mga lugar na dapat iwasan. 3. Makakatulong rin sa iyo ang pakikinig ng mga inspirational teaching cd...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc