Ang pagkawala ng alagang hayop ay tulad rin sa pakiramdam ng pagkawala ng isang anak. Kung nangyari ito sa iyo at sa iyong pet ay nararapat ang isang agarang aksyon. Ito ang ilang tips kung anu-ano ang mga dapat mong gawin kapag nawala ang iyong alagang hayop at kung paano mo sila mare-recover. Mag-anunsyo sa diyaryo at sa iba pang publication company. Ilagay mo ang deskripyon ng iyong lost pet doon at pati na rin kung paano ka makokontak. Kung nakatira ka sa isang campus o sa isang subdivision ay magpaskil ka sa community bulletin board o sa mga lugar kung saan pwede kang magpaskil ng anunsyo. Pwede mo ring gamitin ang social networking sites sa pag-aanunsyo sa nawawala mong alagang hayop tulad ng iyong facebook at twitter para na rin sa kaalaman ng iyong mga kaibigan,kamag-anak at iba pang kakilala. Gumawa ka ng flyers at humingi ng permiso kung saan mo ito pwedeng ipamahagi. Maaaring ito ay sa iyong mga kapitbahay, veterinary clinic, grocery store, shoppin...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc