Marami ka bang inaanak na dapat ay regaluhan ngayong pasko? Ito ang tips para sa hassle-free na X-mas Shopping. Gumawa ng listahan . Makatutulong ang paggawa ng listahan ng mga dapat regaluhan ngayong pasko. Ilista sa isang papel ang mga pangalan nila. I-categorize mo para mas mainam. Listahan ng kamag-anak, inaaanak,kaibigan, kapamilya etc. Mas maigi rin kung ilalagay mo ang item na iyung ireregalo at ang budget mo para sa mga ito pati na kung saan mo ito bibilhin. Remember to stick with your budget, dalhin lang ang saktong pera na nakalaan para sa mga ito para hindi ka ma-carried away sa pamimili at gumastos ng higit sa budget na inilaan mo para sa mga reregaluhan. Take advantage of the Mall Promos and Sale . Hindi lang sa divisoria mura ang mga item. Maging sa mga boutique nang mall din. Kesa makipagsisiksikan sa tiangge ay mas mainam na maglibot libot sa mall lalo na't may sale o mga promos. Mas me kalidad pa ang iyung mabibili at kung minsan ay mas mura pa kesa ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc