Marami sa mga ospital ang nag-pe-presyo ng mahal na bayarin sa kanilang mga pasyente. Kaya’t ang mga ito ay nahaharap sa malaking hospital bills na nakaka-stress at tipong hindi na nila alam kung paano ito babayaran. Maraming mga over charge na katangap-tangap naman ngunit mayroon ding hindi. Para sa mga pasyente, mahirap maintindihan ang bayarin sa ospital, kaya’t ang ilan sa mga ito ay maglalagay ng mga codes at medical terminology na lalong magpapahirap sa mga pasyente na maintindihan ang bayarin. Kaya sa huli, malaking hospital bills ang kahaharapin ng kawawang pasyente. Ito ang ilang tips para hindi mangyari sa iyo ito: Kung hindi naman isang emergency ang iyong pagkaka-ospital ay tignan mo ang policy ng iyong insurance para malaman mo kung ano ang covered sa hindi at kung ano ang mga dapat mo talagang bayaran. Maging maingat sa pagre-review ng mga sakop at hindi sakop ng iyong insurance. Sa pamamagitan nito malalaman mo kung ano ang hindi nito covered. Tawagan m...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc