Like na like ng kids ang mga aso, isa ito sa paboritong pet ng mga bata. Kaya’t bilang magulang ay tungkulin mo rin na sila’y maging safe sa kanilang alagang aso at tiyaking maalam sila kung paano aalagaan ito. Heto ang ilan sa tips para maging safe ang bata sa kanilang alagang aso: Humingi ng permiso sa may-ari. May tsansa na maging agresibo ang aso lalo at delikado na kaharap ang mga bata. Sabihin ang paslit na magpaalam muna sa may-ari ng aso bago batiin o himasin. Ilahad ang palad na mas mababa sa nguso ng aso para maamoy niya muna ito at kapg okey ang ganito ay ipagaya mo ito na gawin ng paslit. Hintayin ang aso na lumapit nang malumay sa inyo o sa bata. Huwag kayo ang unang lalapit. Kung ayaw nang aso na lumapit. Huwag siyang lapitan. Tingnan sandali sa mata ang aso at saka tumingin sa malayo. Ayaw kasi ng aso na siya ay tinitignan ng matagalan at diretso sa kanyang mga mata dahil para itong pagbabanta. Ang paglayo mo bigla nang tingin ay nakapagpapanatag...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc