Isa sa paboritong minatamis ng mga Pinoy ang Bukayo. Ito ay gawa sa sariwang buko at hinaluan ng pulang asukal, ang resulta- isang masarap at matamis na pamutat. Maganda rin itong ipang-regalo sa iyong mga kapamilya o kaibigan. Lalo na sa mga turista, kaya naman isa rin itong magandang extra income para sa mga naghahanap ng iba pang pagkakakitaan. Ano-ano ang mga sangkap ng Bukayo: 2 piraso ng coconut, ginayad ang laman Dahon ng pandan 1 kg ng pulang asukal 2 tablespoon ng vanilla extract Sariwang sabaw ng buko All purpose flour o cornstarch Paano ito gagawin? Ilaga ng magkasama ang sabaw ng buko, asukal na pula at dahon ng pandan hanggang sa matunaw ang asukal at mangapal. Idagdag ang vanilla extract. Tanggalin ang dahon ng pandan. Lutuin ang ginadgad na coconut sa isang kawali na may kaunting mantika hanggang sa ito’y magkulay brown. Magdagdag ng syrup at pakapalin gamit ang kaunting flour o cornstarch na tinunaw sa tubig Patuloy na halu...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc