Skip to main content

Posts

Showing posts with the label most effective diet supplement

Diet Supplements – Alin Ang Pinaka-epektibo?

Iba’t ibang nutrisyon ang kailangan ng ating katawan para maging mainam ito sa paggawa ng mga tungkulin. Kaya’t kinakailangan na kumonsumo tayo ng mga nutrisyon na makukuha naman natin sa ating mga kinakain. Binibigyan diin ng mga ekpserto na ang pinakamagandang pinanggagalingan ng nutrisyon ay ang mga natural na pagkain. Gayunpaman, kung hindi sapat ang mga pagkain na ito at hindi kayang tupdin ang kinakailangang dosis, ay maaari mong subukan ang pagkonsumo ng mga supplement. Bukod sa tumutulong ito para mapanatiling malusog ang ating pangangatawan, ang mga sumusunod na supplement ay malaking tulong at pinaka-epektibo din sa pagda-diet. Bitamina D Ang mga taong may mataas na level ng Bitamina D sa katawan ay silang nagiging matagumpay sa pagdye-dyeta. Ito ay ayon sa paglalarawan ng Endocrine Society. Rekomendadong Dosis: Kabuuang dami na kailangan sa arawa-araw ay 1000 IU Bitamina D. Ito ay pwedeng makuha sa pagkain ng isda, fortified cereals, mga purong fruit juic...