Paboritong prutas ang mangga . Pero sa kabila ng masarap nitong lasa at nutrisyon na maaaring makuha rito ay pwede rin itong pagmulan ng isang kakaibang allergy . Ito ay kung tawagin ay Mango Hypersensitivity . Mayroon ng 10 kaso na iniulat mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa lumipas na taon. Isa na riyan si Sunneta Rawat, edad 46, na nagpagamot sa Vallabhbhai Patel Chest Institute at the University of Delhi India matapos mapag-alaman na siya ay mayroong hypersensitivity type 1. Nagtungo si Sunneta sa ospital nang siya ay makaramdam ng reaksyon 15 minutos matapos ang pagkain niya ng mangga. Hindi lang pag-ubo at hirap sa paghinga, namaga rin ang kanyang labi at ang paligid ng kanyang mga mata at namula ang buo niyang katawan. “ Ang Polyps at Cysts ay maaaring madevelop pagkatapos kang kumain ng mangga” – ayon kay Dr. Ashok Shah, isang professor ng respiratory specialist sa Vallabhbhai Patel Chest, mula sa ulat ng Daily Mail. Idinagdag pa niya, kakaiba ang al...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc