Skip to main content

Posts

Showing posts with the label mayonnaise para sa buhok

Mga Pagkain Na Nagpapaganda Ng Hair

Hindi lang pagkain o sangkap sa pagluluto ang mga ito kundi nakapagbibigay buhay at sigla rin sa ating buhok. Kaya’t kung humahanap ka ng mga simpleng paraan para magkaroon ka ng long and shiny hair ay subukan mo ang mga pagkain na ito. Mayonnaise Maglagay ng isang dakot sa iyong buhok at iwan ng 10 hanggang 15 minutos. Pagkaraa’y banlawan na. Pwede ka ring magsuot ng shower cap o kaya’y takpan ang buhok ng tuwalya para lalong mapagbuti ang kondisyon ng anit. Sa pamamagitan nito ay kikintab at lalambot ang iyong buhok. Suka  Magandang conditioner ang suka sa buhok at dahil na rin sa matapang na amoy nito ay pwede rin nitong itaboy ang pagdami ng mga kuto at lisa. Olive Oil Isang magandang conditioner din ito lalo na sa mga taong may problema na sa buhok gaya ng pagkapanot o pagkakalbo. Pinatitibay kasi nito ang buhok laban sa paglalagas. Isang beses isang linggo ay subukang mag-apply ng olive oil sa iyong anit. Source: tips4me.com