MARAHIL ay alam na ng isang babae ang ibig sabihin ng disiplinadong diyeta, kasabay ng konsumo ng pang-araw-araw na multivitamin ngunit maraming nalilito sa kung anong tamang nutrisyon at bitamina para sa isang indibidwal. Inilahad ng isang eksperto ang mahusay na guide upang manatiling malusog ang isang babae sa buo niyang buhay mula sa mga sumusunod: 1. Edad 20-29 . Iminungkahi ng isang eksperto ang pagkakaroon ng sapat na vitamin D at calcium ng isang babae para sa mas matibay niyang buto. Ang mga buto sa ganitong edad ay patuloy na lumalaki sa 10% pa nitong nalalabi. Kaya't mahalagang magkaroon ng sapat na calcium upang makabuo ng maraming bone mass makukuha mula sa vitamin D.Mas matibay ang buto, mas malayo sa banta ng osteoporosis sa hinaharap. 2. Edad 30-39 . Upang hindi madaling makaramdam ng pagtanda, inirerekomenda ng isang nutritionist ang pagkakaroon ng sapat na iron sa katawan para sa dagdag na enerhiya. Mai...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc