Nais mo banbg gumanda at kuminis ang iyong kutis pero wala ka namang sapat na pera para magtungo kina Belo o Calayan? Gusto mo ba ng kutis artista katoto? Bakit hindi mo subukan ang pagkain ng masusustansyang prutas na ito na maigi para sa pagpapakinis ng balat. Ito ang aming skin care tips ngayong araw na ito: Kumain ng mangga dahil maigi ito na pang-moisturize sa ating balat. Bukod pa riyan ay pinoprotekhan din nito ang balat mula sa mga pinsalang hatid ng taas ng sikat ng araw. Ang prutas na ito ay mayaman sa beta-carotene na pinapalitan naman ng ating katawan na maging Vitamin A. Ang vitamin A ay tumutulong mapanatili ang kinis n gating buhok at ni-rerepair din nito ang skin tissue para makaiwas ang ating balit sa pagkatuyot. Ang vitamin A ay humihilom din ng inflammation dulot ng pagka-expose sa araw. Malinaw itong patunay na ang mangga ay tulong sa kagandahan. Kung problema mo naman ay wrinkles ay maiging kumain ka ng oranges. Pinapabagal nito ang pagdami ng wrinkle...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc