Isang boring na gawain at nakatatamad ang pag-eexercise para sa ilan. Mas gugustuhin nilang manood na lamang ng teleserye sa telebisyon o di kaya’y mag dota o facebook kaysa maglaan ng oras para sa isang cardio exercise. Alam ninyo bang ang kawalan ng ehersisyo ay nakamamatay tulad ng paninigarilyo, wala itong pinagkaiba. Kaya galaw-galaw para hindi ma-stroke. O sige, kung sa tingin mo boring ang pag-eexercise ay sundin ang ilang tips na ito para maging kagilig-giliw itong gawin sa araw-araw. Una, kailangan mo ng training partner, pwedeng kontakin ang kaibigan para may kasama kang mag-ehersisyo. Kung hindi naman pwede si kaibigan dahil busy sa date nila ng syota niya ay huwag kalimutan si bantay, pwede mong kasama ang iyong alagang aso sa paglalakad-lakad, pagjo-jogging at pagtakbo. Hindi lang ito nakasasayang gawin, marami ka ring makikilalang bagong kaibigan sa paglabas mo ng iyong bahay para mag-exercise. Maglaro ng sports tulad ng paintball o airsoft. Masayang...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc