Bakit June 12 ang napiling maging selebrasyon ng Philippine Independence Day? Kung iyong mapapansin, dalawa ang petsa sa araw ng ating kasarinlan, June 12 at July 4. Kung iisipin nating mabuti, hindi naman tayo tuluyang naging malaya matapos ideklera ni Aguinaldo ang ating pagiging independent. Bagkus, naging isang malayang bansa tayo noong July 4, 1946. Maaaring mapapaisip ka nga kung bakit pero base sa Presidental Proclamation No. 28 na idineklara ni President Diosdado Macapagal, mas magiging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng kasarinlan ng ating Inang Bayan kung ito ay ililipat sa June 12 dahil masasalamin dito ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino at ang pakikipaglaban na kanilang hinarap makamit lamang ang hinahangad na kalayaan. Mas maisasapuso nga naman ng mga kabataan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Subalit, mayroon namang ilang nagsasabi na mali ito dahil paano naman daw ang mga nagbuwis ng buhay sa mga kamay ng Amerikano...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc