Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo. Maaaring ang dahilan nito ay mga salungat na opinyon. Ang iba nama’y mga nakakapikon na talakayan na nauuwi sa isang dibdibang argumento at kung sa kamalas-malasan ay pagiging bayolente ng magkabilang panig. Ito ang ilang tips para ma-kontrol mo ang iyong sarili na maging bayolente sa harap ng isang pagtatalo o argument. Kontrolin ang “fight o flight” na reaksyon. Unang reaksyon sa isang mainit na sitwasyon ay tipikal na agresibong reaksyon. Ang parehong reaksyon ang magpapalala sa tensyon. Tanggapin ang anumang damdamin ng ibang tao. Ang isang napahiyang tao ay madalas niyang isipin na estupido kaya naman depensibo siya at ipagtatanggol ang sarili. Ang matanggap ang damdamin ng tao at pananaw ay makatutulong para ma-establisa ang kampante at may rasong resolusyon. Magsalita nang malumanay, matatag na boses, higit na lalala ang sitwasyon kapag nakipagsigawan. Ilabas o iboses ang anumang nasa isip. Huwag ibaling ang usapan sa pa...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc