Isang malaking hakbang para sa relasyon ang magsama sa iisang bubong o ang mag-live-in . Ito ay commitment sa inyong dalawa na kayo ay magsasama kahit hindi pa kayo kasal. Ang epekto o mga kahaharapin ng ganitong uri ng pagsasama ay mahirap tukuyin sapagkat bawat sitwasyon ng isang relasyon ay magkakaiba. Ang kasagutan kung may dulot bang maganda ito para sa inyong relasyon ay nakadepende kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo at kung handa ka bang kaharapin ang mga pagsubok ng inyong relasyon. Good Side Of Living-in Together magandang dulot ng pagli-live-in Ang ilan sa magandang idudulot ng pagli-live-in ay paghahanda sa hinaharap. Malalaman mo kung karapat-dapat ba siyang pakasalan o hindi. Sa pagli-live-in ay matutuklasan ninyo pareho ang inyong pagkakaiba at kung hanggang saan ang kaya ninyong baguhin para mapatatag ang inyong relasyon. Kung tanggap mo na siya at sanay ka na sa kanyang pag-uugali sa tagal ng inyong pagli-live in ay pwede mo ng masabing ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc