Para maagapan ang mas malala pang sakit… SADYANG may mga bagay sa buhay ng isang tao na nais lamang niyang itago at hindi na ibahagi pa sa iba. Gayunman, kapag ang ilang sikreto ay ipinagkakait din mismo sa mga doctor lalo na kung tungkol sa nakahihiya ngunit importanteng detalye sa kalusugan, gawi o lifestyle – maaaring isinasaalang-alang ang sariling buhay. Ilan sa mga halimbawa ng mga lihin na hindi dapat itago sa doktor na para na rin sa sariling kalusugan at kapakanan ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Pag-iinom, droga at paninigarilyo. Batid ng lahat na ang mga ito ay hindi mainam sa isang tao, kung saan, malamang na ito ang isa mga dahilan kung bakit ayaw ibahagi ng isang tao ang kanyang masamang gawi. Ngunit ang mga ito ay maaaring makapaglihis sa mga doktor sa pagkuha ng tamang diagnosis – na posibleng ikapahamak ng isang pasyente. 2. Hindi normal na pag-ihi at pagdumi. Maraming ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc