Maraming uri ng estilo ang maaari nating gawin sa ating buhok at ang isa na nga rito ang Hair Braiding. Pero alam ninyo bang may masamang epekto ito sa ating buhok? Ito ay maaaring magdulot ng pagkapanot sa katagalan. Popular na estilo sa buhok ang hair braiding sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ngunit binigyang diin ng mga eksperto na ito ay maaaring maging sanhi ng permanent balding pattern. Isang pag-aaral ang isinagawa sa South Africa at inilathala sa British Journal of Dermatology- ito ay tinugunan ng higit kumulang 2,000 bata’t matanda na may ganitong uri ng hairstyle. At napatunayang, na ang hair follicles ay na exposed sa braid sa matagal na panahon ay masisira at hindi na ito pwede pang maipanumbalik. Natuklasan din ng mga ekperto na higit sa 1 sa 7 bata at tatlo sa mga matatandang babae ay nagkaroon ng traction alopecia, isang uri ng pagkalagas ng buhok dulot ng presyon. Sabi ni Dr. Nonhlanhla Khumalo, na nagsagawa ng pag-aaral, sa balitang hatid ng ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc