Skip to main content

Posts

Showing posts with the label hair tips

Paano Maging Masigla Ang Buhok (Hair Care Tips)

Maigi ang pagpapagupit ng buhok kada dalawang buwan para maging masigla at matibay ang iyong buhok (hair). Hindi naman kailangan na gupitin ito o iklian ng todo, maigi na iyong kahit na gupitin mo lang ang dulo ng iyong buhok para sa paglago nito. Ang paggugupit ng buhok ng regular ay nagpapatibay sa buhok at iniiwas pati nito ang ating buhok sa pagsanga-sanga nito. Ayon sa American Acamedy of Dermatology , ang sapat na paglago ng buhok ay 0.5 hanggang 1 pulgada kada buwan. Pero may mga pagkakataon na ang ugat sa ating buhok (mga 15 porsyento o higit pa) ay nakararanas ng mabagal na paglago na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok. Sa estimasyon ng paglalago ng buhok, tinatayang mayroon sa tatlong buwan, na walang aktibidad ang nagaganap sa ating hair follicle. Ang ibig sabihin lamang nito ay mayroong pagkakataon na walang nagaganap na paglago sa buhok ng ating anit. Sa tamang pagpapagupit ng buhok kada 2 buwan ay nakatutulong para panatilihin ang paglago ng buhok. ...