Lalo sa mga babae, ang pagkakaroon ng maganda,makintab at malusog na buhok ang pangarap ng nakararami sa kanila. Kaya’t madalas silang makita sa parlor o salon upang alagaan ito. Hindi kasi ganoon kadali ang pagkakaroon ng masiglang buhok. Ito ay nangangailangan ng sapat na atensyon at maiging pangangalaga. Ito naman ang mga simple ngunit akmang diet para sumigla ang iyong buhok. Sapagkat kung nais mong magkaroon ng long and shiny hair, dapat lamang na tama ang iyong diyeta. Kung ikaw ay mayroon ng healthy diet tulad ng pagkain ng masusustansyang prutas at gulay pati na rin pag-inom ng maraming tubig ay ipagpatuloy mo lamang ito. Makabubuti ito sa buhok lalo’t sa mabilis na pagtubo nito. Kung ganito ang iyong dyeta ay di mo na kailangan ng karagdagan pang bitamina. Maigi ang mga fibrous food tulad ng salad at prutas. Umiwas sa paghigop ng mga sabaw o soup pati na rin sa paginom ng mga juice. Ang balanseng dyeta ay may kasamang protina, bitamina, mineral, carboh...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc