Sa ngayon, malaki na ang kompetisyon pagdating sa catering business . Kaya naman bilang may-ari ng ganitong klaseng negosyo ay dapat lawakan mo ang iyong isip sa mga bagong konsepto. Bakit hindi mo subukan ang Theme Catering – baka ito na ang paraan para umasenso ang iyong negosyo. Ordinaryo na sa mga caterer ang paghahanda ng menu at pag-seserve ng mga pagkain para sa kanilang kliyente. Pero ang konsepto ng theme catering ay iba, sapagkat mula sa pagkaing lulutuin, paghahanda, pagseserve sa mga kakain ay sakop nito pati ang dekorasyon, musika na gagamitin para sa okasyon at anumang paghahanda na kinakailangan sa event. Maraming theme ang pwede mong subukang i-offer sa iyong mga kliyente tulad ng Spanish town fiesta, Hawaiian luau party, o isang Moroccan theme wedding party. Sa ganitong uri ng catering kinakailangan mong makipagtulungan din sa party planner ng event na iyong pagsisilbihan. Sa pagkain madalas at paborito ng mga kliyente sa Pinas ang lutong pinoy, ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc