Hindi dapat na mag-alala ng husto ang mga taong may diagnosis ng pre-diabetes phase. Hindi pa naman huli ang lahat para sa kanila. Dahil marami pang preventive measure na pwedeng gawin para maiwasan ang paglala ng diabetes . Ito ang mga paraan: Magbawas ng timbang. Ugaliin at dalasan ang pag-eehersisyo. Ayon sa pag-aaral ng Centers of Disease Prevention and Control, 5 hanggang 7 porsyento ng mga taong nasa pre-diabetes phase na nagbawas ng kanilang timbang ay hindi na lumala pa ang kondisyon tungo sa type 2 diabetes. Ayon pa sa Fox News, nakatutulong ang exercise at iba pang physical activities para pababain ang glucose at magprodyus ng insulin. Magsimula sa paglalakad. Maging mapili sa kinakain at mag-dyeta. Magsimula sa mga pagkain na low-fat, low sugar at low sodium. Imbes na kumonsumo ng mga carbohydrate rich food gaya ng white at tinapay ay palitan ito ng mga pagkain na mayroong complex carbohydrate gaya ng brown rice at wheat bread. Bawasan mo rin ang mga pagkain...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc